Thursday, December 8, 2011

MUSIKERO Ako!






Kami ay mahilig sa musika at kahit ano na atang klase ng musika aming pina-pa kinggan, mapa Rock n’ Roll, Hip-Hop, Rap, Country Music, RnB, OPM, o Senti paman yan basta patug-tugin sa radyo pakiking-gan namin, sabi nga ng kapit bahay namin “Music is Life” without Music there’s no life [sinong kapit bahay yun?]. Pero ang kina hiligan namin talaga ay yung tug-tuging pang-kalye o pang-masa, pinilit matutong tumug-tog ng gitara, pumalo ng tambol, umawit kahit sintunado, na kahit alam mo nang pinag-tatawanan kana ng mga nakakarinig sayo tuloy padin [ito ang gusto ko! wika nga ni kiko].   

Nangarap maging isang Musikero! mag-tayo ng banda!  Inaya ang barkada upang mag tayo ng sariling grupo, sinubukang mag-ensayo [sablay! haha] sabi nga ni tatay, ano yan ‘banda rito – banda roon” ngunit aming kinagiliwan at inayos namin ng mabuti ang mga ginawang pag-eensayo. Sumali sa mga battle of the bands, nabigo, ngunit hindi kami tumigil sa pangarap na maging isang musikero, at totoo nga pala ang kasabihang “kapag may t’yaga, may nilaga” sa wakas natupad din! Isa na kaming Musikero! [nakapag luto pa kami ng nilagang baka para sa aming mga hapunan].

Nakatapak sa Intablado, naka-ngiti, naka-tawa, naka-sulyap, naka-titig, sa bawat taong nasa harapan.  Ngiti sa kanilang mga mukha iyong makikita sa bawat kalabit sa mga gitara, sa bawat hampas sa tambol, at sa bawat salita na lumabas sa mikropono, oh, anong saya!

“Pare ko” at Mga Kababayan Ko”…wala kabang napapansin sa iyong mga “Kapaligiran?” “Tayo’y mga Pinoy” tayoy hindi kano, huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango! sapagkat kung ikaw ay mahihiya, “Lagim” ang sasapitin, at aming pakiusap, “Patience” lang, “Salamat” po…. Ilang musika na aming ginaya, ipinarinig sa mga tao na nais kaming masulyapan at marinig.


Ibat-ibang lugar aming narating, gabi man o umaga basta’t may tug-tugan aming susu-ungin, hindi alintana ang hirap at pagod maipamalas lang ang aming musika at galing.

Ngunit hindi sa lahat ng pag-kakataon gusto kanilang paking-gan, may mga taong ayaw sa iyong banda o tug-tugan, kaylangan tanggapin natin, parte ng isang musikero yon basta ang mahalaga masaya ka sa ginawa at ipinamamalas mo.

Ito ang aming naging kasabihan sa aming mga pag-tugtog at hindi padin kami nag-pa pigil sa aming mga gusto, pinilit iparinig ang musikang nalikha na balang araw sa radyo at TV ay madidinig o makikita din.

Ngunit sadya atang sinusubok ng tadhana ang isang Musikero, nandyan dumating ang araw na kayo’y nag-kaka tamaran na, ayaw ng mag-ensayo o huli lagi sa ensayo [magaling na daw kasi], nag-sisihan sa bawat pag-kaka mali ng isat-isa, nandiyan na pa-importante na ang isa, hindi pa nga sikat, hindi pa nga lumalabas sa radyo o TV ang nagawang mga kanta, mataas na kaagad ang pag-tingin sa sarili [Hoy! Gising!]

Nandiyan din ang pag-kakataon na wala na kayong maisulat na awitin, wala ng alam tug-tugin at wala ng alam iparinig sa mga tao kundi ang musikang inyong nasimulan lamang, hayyy…Ito ba ang pina-pangarap naming buhay Musikero? [sa tingin ko hindi na!].

Pero  sadyang ganyan lang siguro, dahil dumadating din naman talaga ang lahat sa katapusan, kung ang paborito mong teleserye, ang istorya ng isang kwento, ang usapan sa kanto, ang inuman sa gilid-gilid, ang kasiyahan sa isang party, ang buhay mo at ang buhay ko may katapusan din, eh ano pa kaya sa pagiging Musikero…hindi bat may katapusan din?

Pinilit ayusin, buuin ang aming grupong nasira, ngunit sadyang hindi na pwede, mga problemay dumating, na hindi na natakasan pa. Sari-saring dahilan ng bawat isay nais ibahagi, ngunit sa aming matagal na pag-sasamahan at pag-uunawaan, itoy naintindihan at natang-gap din.

Kanya-kanyang direksiyon ngayon aming tinatahak, ang ilan ay sumubok muli magbuo ng sariling grupo, grupong sa intablado nais muling mag-pamalas. Pinilit muli lumikha ng mga awitin na nais sanang iparinig sa mga tao, ngunit sadyang ayaw ibigay ng pag-kakataon.  Ang ilan namay nag-patuloy sa pag-aaral, naka-pag trabaho, nag-ka pamilya at nag-ka anak.

May mga pag-kakataon kamiy nag-kikita kita, nag-kaka sama-sama sa ilang mga okasyon, nag-kaka awitan at nag-kaka tug-tugan.  Hindi nawawala sa amin na balikan ang aming mga nasimulan, mga konsiyerto na aming dinaluhan, mga entabladong aming inapakan, mga kaway at sigaw ng mga tao na aming naranasan, mga awit na aming naiparinig, mga lugar na aming napuntahan, mga pag-tatawanan na aming nagawa at mga problemang aming nakaharap, at sa lahat ng itoy, sa aming puso at isipin, masasabi parin namin sa aming sarili...Musikero Ako!

No comments:

Post a Comment

WONDERFUL PLACE

Wonderful Mountains And Seashore, A Magnificent Panorama. Wonderful And Warm People, A Superb Manner. Wonderf...