Sunday, December 4, 2011

FILIPINO [sa ISIP, sa SALITA, at sa GAWA]


Ako ay Filipino at ikaw ay Filipino? Filipino ka dahil ang nanay at tatay mo ay Filipino?   
Filipino ka dahil dito ka isinilang at lumaki sa Pilipinas? 

Ano nga ba?

Sa ISIP ba, Oo? 
Dahil nag-iisip ka ng mga bagay na nasa Pilipinas, nag-iisip ka ng mga lugar na nais mong puntahan o nasa Pilipinas gaya ng Boracay, Luneta, Palawan, Cebu at kung ano-ano pang mga lugar na matatag-puan lamang sa Pilipinas.  Nag-iisip ka marahil ng mga pelikulang Filipino lalong-lalo na yung mga pinag-bibidahan ng nasirang hari ng penikulang Filipino, mga babasahing Filipino na naka-limbag sa wika natin, nag-iisip ka ng mga pangungusap na Filipino, na nais mong isulat. Mga musikang orihinal na gawang Filipino at syempre hindi natin makakalimutan isipin ang mga bayaning Filipino na nag-buwis ng buhay sa bansang Pilipinas, makamit lamang ang ating kalayaan [huwag-na-huwag natin silang kakalimutan]. Ikaw, ano pa ang iyong nasa isipan upang masabi mong ikay tunay na Filipino?

Sa SALITA ba, Oo? 
Dahil nag-sasalita ka ng wikang Filipino at hindi pang-banyaga, winiwika mo ang alpabetong Filipino. Pilipinong salita ang ginagamit mo sa pang-araw-araw na pakiki-pag talastasan, sa pakiki-pag debate, sa pakiki-pag away o sa paninirang–puri ng isang tao, sa pag-sakay sa jeep, sa pamimili sa palengke, sa pakiki-pag-usap sa isang kaibigan o sa pag-kukwento ng mga istoryang iyong nabasa o narinig o napa-nood. Maraming-marami pa! na kung ilalathala natin dito ay baka abutin tayo ng taon sa mga salitang Filipino na nais nating ipabatid, at siguro sa salitang Filipino mo din nais ibahagi ang iyong nalalaman? Ikaw ano pa ang iyong nais i-Salita sa wikang Filipino?


Sa GAWA ba, Oo?
Dahil may gawang Pilipino ka at ninanais mong ibahagi ang mga ito!  Gawang pag-galang sa mga nakaka-tanda sa pamama-gitan ng pag-mamano, gawang pag-sasabi ng “PO at OPO”, gawang pag-babayanihan at pang-haharana, na sa Pilipinas mo lamang makikita. Ang galing diba! Gawang pag-sakay sa kalesa at jeep kaya, hmmm? O daanin naman natin kaya sa mga gawang pag-kain na tunay na dito sa atin nag-mula, gaya ng bibingka't puto bumbong, puto’t kutsinta, balot at penoy, isaw, pandesal at mainit na kape na talagang masarap sa agahan! At marami pang iba...Sarap!  

Pero, baka nais modin ibahagi ang mga gawang Filipino na hindi kanais-nais tulad nang…Chismis, Pang-hihimasok sa buhay ng may buhay, Pang-darambong, Kasakiman sa kapangyarihan  [mayroon sa ibang bansa, pero mas tanyag ang sa atin, syempre papa-talo ba naman tayo, Filipino nga eh!] at kung ano-ano pa na nasa ating ISIP, SALITA, at GAWA.




No comments:

Post a Comment

WONDERFUL PLACE

Wonderful Mountains And Seashore, A Magnificent Panorama. Wonderful And Warm People, A Superb Manner. Wonderf...