Jeepney, Tricycle, FX, Taxi, Bus,
Kalesa, Padyak, nasubukan mo nabang sumakay sa mga ito?
Sa araw-araw nating ginagawang
mga pag-lalakbay, patungo sa trabaho, sa eskwelahan, sa pamamasyal, sa pamimili,
at sa kung ano-ano pang mga gawa na iyong patutunguhan. Mayaman kaman o mahirap o namumuhay ng sakto
lang, dibat lagi natin silang nakikita? Sa mga pangunahing kalsada o sa mga kalye,
nag-kalat sila, at hindi natin maikakaila na sila ang pangunahin nating mga
sasakyan kung tayo man ay mag-lalakbay, malayo man ito o malapit.
Ang pag-sakay sa mga sasakyang
ito ay aking nasusubukan sa pang-araw-araw kong pag-lalakbay patungo sa aking
trabaho, pwera nga lang sa Padyak at Kalesa, dahil malimit mo lamang silang
makita sa mga maliliit na kalye. Ang pag-sakay sa mga ito ay kaka-iba dahil minsan may mga nakakatuwa o magaganda at
minsan naman may nakaka--asar kang makikita o mararanasan sa kanila. Sakay na
po!
Kung ikaw ay nagmamadali sa
pag-pasok patungong Alabang o Makati at hindi pa masyado mabigat ang traffic o
kaya ay balak mong umuwi ng probinsya sa maagang oras, sa pag-sakay sa Bus ang
isa sa maganda, dahil masisiguro ko sa iyo na hindi ka mahuhuli, dahil sa bilis
nilang mag-patakbo.
Ngunit sa Bus iyong mararanasan din ang
byaheng langit na kanilang sinasabi, baket nila nasabi ito? Dahil halos parang lumipad
na ang mga Bus patungong langit sa bilis o tulin ng kanilang takbo, lalo na ang
mga ordinary Bus na kanilang tinatawag.
Masasabi kong ang mga Bus talaga ang siga ng mga daanan, na kapag sila
ang dumaraan at bumisina na sa iyo, tumabi kana, dahil malamang sa langit kana
nga pupulutin. Hindi din po kaila sa atin na medyo marami na nga talagang
naiuulat sa mga dis-grasyang kinasasangkutan ng mga Bus. Sa loob ng Bus makikita modin ang
ibat-ibang uri ng tao, meron bata, matanda, babae, lalake, pinag-samang babae
at lalake o lalake at babae [alam nyo yon], lolo at lola, may sanggol panga
minsan.
Mararanasan modin sa Bus ang
tayuang pag-sakay o sik-sikan, na kahit puno na ang Bus, sisikapin padin nilang
mag-sakay, hanggat umabot na sa likuran at harapan ang nakatayo sa loob ng Bus
[sayang nga naman ang kita diba?]. sa Bus pwede ka nilang hintuaan kahit saan
ka pumara [bastat walang nang huhuli], kahit nasa gitna kapa ng pangunahing
kalsada, hihinto at hihinto yan maisakay kalang, wala silang paki-elam sa mga sasakyang nasa
likuran nila.
Kapag ikaw ay nag-nanais naman ng
bumaba, Para ho! syempre sila ang masusunod, iba-baba ka nila sa nais nila. Sa tamang
babaan? kadalasan, Pero minsan may mga Bus na kung saan-saan kanalang nila
ibina-baba [ako nga naranasan ko na ng bumaba sa gitna ng daanan, ayos! Ang
galing diba? hehe].
Bakit kaya sila ganun?
Ang ilan nag-sasabi, sayang ang
biyahe, kaylangan mabilisan talaga, kasi daw porsiyentuhan ang kinikita ng mga
driver at conductor, oo nga naman, kung maraming pasaherong naisakay at
naibaba, malaki nga naman ang kita. Tama po ba? Boss, PARA HO!
Taxi, maganda sumakay, mabilis
kang makakapunta sa iyong patutunguhan kung ikay nag-mamadali, komportable,
medyo sosyal ang dating sabi nga nila [pa Taxi-taxi nalang si Juan ah!] sa Taxi
para kang may personal driver talaga, iyan ang kagandahan po nito. Sa Taxi
kahit medyo may karamihan ang iyong mga dalahin pwedeng sumakay. Sa Taxi kahit
ikaw lang mag-isa pwedeng-pwede pong sumakay, actually mas gusto pa nga nila
yon.
Ngunit, sa Taxi may mga
mapapansin kadin na mga kakaiba talaga, nariyan ang mga kalokohan ng mga ibang
Taxi na parang simbilis ng kurap ng iyong mata ang pag-patak ng kanilang metro
[papaano kaya ginagawa yun?], at may mga Taxi din na halos ayaw buksan ang
aircon ng sasakyan nila, fan lang yata ang pina-pagana. Mapipilitan ka
siguradong kausapin ang drayber at baka pag-mulan pa ng away [marahil
nag-titipid sa gasolina o sadyang sira na ang aircon, baket kasi hindi pa
ipagawa], nariyan din ang, sir/mam plus 30 po tayo, pwede po ba? medyo malayo
po kasi yun, at wala nakong pasahero pabalik [pati ba naman pasahero pabalik,
gusto pang ipa-shoulder sa bayad, kakaiba ka nga talaga!], nariyan din ang
ibang Taxi na ang gimmick ay, mam/sir dito nalang po tayo dumaan, may shortcut
dito, yun pala imbes na shortcut, eh longcut! Imbes na mabawasan ang babayaran
mo, nadag-dagan pa.
Hindi din maiwasan sa mga Taxi
ang mamili ng mga pasahero, na kahit bawal ang mga gawang ito ay pilit parin
nilang ginagawa [kung sabagay hindi natin sila mapipilit kung talagang ayaw nila
tayong ihatid sa lugar nayon, pero mas-maganda, huwag na silang mag Taxi], mga
kakaibang diskarte nga naman ng mga ilang Taxi.
At paalala, ingat lang po, may
mga holdaper nadin ngayon na gamit ang kanilang Taxi.
Sir, PARA HO!
Kinagigiliwan ngayon ng mga tao
ang pag-sakay sa FX, bukod kasi sa naka-aircon kana, mabilis, malinis pa daw
ito. Maganda din sakyan ang FX dahil
kahit papaano abot kaya ang pamasahe dito at kahit saan mo na siguro tignan na
kalsada o kalye makikita mo ang FX kaya hindi kana mahihirapan hanapin sila.
Nariyan na nga na pag-usap-usapan na sila na daw ang papalit sa mga Jeepney.
May mga pag-kakataon lang din na
talagang mahirap silang Makita o masakyan, nandiyan kasi na ang karamihan sa
kanila ay kolorum o walang prangkisa para bumiyahe [unfair nga naman para sa
mga meron] kaya kadalasan para silang mga daga na tago-ng-tago para huwag lang
makita ng mga nanghuhuli [mahal daw kasi kumuha ng prangkisa at mga pailan-ilan
palang ang nabibigyan nito].
Maganda sumakay sa FX kung sa
unahan ka uupo, medyo may kaluwagan kasi o di kaya ay salikuran [para sa akin
po]. Minsan kasi naranasan kong umupo sa gitnang upuan ng isang FX, hayyy! Para
akong sardinas na nasa loob pa ng lata. May mga medyo maliliit na sasakyan kasi
na ginagawang FX, dalawa ang uupo sa harap, apat sa likod [salamat at hindi
ginawang animan] at apatan din sa gitna, kaya ayun kapag nagawi ka sa gitna at
medyo may kalakasan kumain ang iyong mga naging katabi, yari ka! Hot sardines
ang labas mo.
Meron din mga FX na halos
magigiba na kapag bumibiyahe [bakit kasi ayaw pang bigyan ng resignation paper]
at halos ang mga upuan ay babagsak nadin, mahinang aircon, maliit na electric
fan ang nasa loob, ano bayan?
Kuya, PARA HO!
Kung magagawi ka naman sa
maliliit na kalsada o kalye na kung saan ang mga Jeep at Bus ay hindi maaring
bumiyahe, at ayaw mong pag-pawisan sa pag-lalakad o di kaya ay hindi masyado
kabisado ang iyong pupuntahan, huwag kang mag-alala, naririyan ang Tricycle! Ang Tricycle ay isa pangunahing
sasakyan para sa pang-araw-araw na malapitang pag-lalakbay at halos kahit saang
parte ng Pilipinas iyong makikita ang Tricycle.
[Na-a-alala ko tuloy nung bata pa
ako, nasubukang mag-bakasyon ng aking pinsan na tiga ibang bansa, nagulat siya
dahil ang sabi ko sasakay kami sa Tricycle, ano daw iyon at ang sabi ko
“Motorcycles with a sidecar” natawa lang siya dahil wala sa bansa nila ito,
subalit laking gulat niya ng makita niya ito at hindi makapaniwala, sabay wika
“The Filipino are genius” sabay tawa ng malakas].
Bukod sa murang pamasahe nito
[kung hindi special] ay kapaki-paki nabang din ang Tricycle lalo na sa mga
probinsiya, dahil kahit napakarami mong bagahe o bitbitin ay hindi ka
tatalikuran ng Tricycle. May mga ilang probinsya nga na ang Tricycle ang
pangunahing sasakyan nila, kaya iyong makikita na kahit hang-gang bubungan nito
ay may pasahero, at bibilib ka, dahil kayang kaya nitong isakay at ihatid sila
sa kanilang patutunguhan [hanep!].
Hindi lang ikina-tutuwa ng ilan
sa mga Tricycle ay ang pag-biyahe nito sa mga pangunahing lansangan at kahit
bawal patuloy ang mga ibang Tricycle sa mga gawaing ito. Sa aming lugar may mga Tricycle na gumagawa
nito, lalo na pag-sapit ng gabi, kung mangilan-ngilan nalang ang bumibiyaheng
mga sasakyan at wala ng mga nang-huhuli, nariyan na halos sila na ang mag-hari
din sa daanan sa pag-papatakbo ng matulin, hindi alintana ang panganib na
maaring tunguhin.
Sa mga matataong lugar tulad ng palengke din sila
lubos na nag-kalat, may mga ilang Tricycle na kahit na sagana ang tao sa daanan
ay patuloy parin ang pag-papatakbo ng matulin, walang paki-elam sa mga taong
nag-sisi daraan [baka kasi bingi yung tao at hindi sila nadirinig na daraan
sila], basta ang mahalaga makarating sila sa kanilang pila para makakuha uli ng
pasahero [sa dami nga naman ng Tricycle, dapat lang daw na mag-madali]. Ang Tricycle na marahil siguro ang isa din sa
matatandang sasakyan dito sa Pilipinas, kaya marahil ang ilan kahit
pupugak-pugak na ang kanilang Tricycle, ayun biyahe padin…
Mama’ PARA HO!
Mama’ PARA HO!
Ngunit, papatalo ba naman ang
tunay na hari ng lansangan? Ang JEEPNEY syempre!
Ang Jeepney ang pinaka popular na
pam-publikong sasakyan sa Pilipinas [wala sigurong kokontra dun], Sino bang hindi nakaka-kilala sa kanila? Nag-mula
daw talaga ang Jeepney sa US Military Jeeps na naiwan nila noong panahon ng
World War 2, maliit at hindi mahaba ang mga ito noon at dahil sa talino ng mga
Pilipino, ginawa nila itong pahabain at palakihin upang mas marami ang
makasakay at maisakay. Mula noon tinawag
na itong Jeepney.
Ang ganda at husay ng Jeepney ay
hindi lang sa pamamasada nagagamit, ginagamit din ng mga ibang tao ang Jeepney para sa kanilang personal
o private use, o mas kilala sa tawag na ‘family use”, ang ibay sa kanilang mga pag-nenegosyo.
May mga ilan pa nga na ginagawang collection items na nila ang Jeepney, ang iba
namay kino-customize nila ito at ginagamit sa palig-sahan at maniniwala din ba
kayo na ang Jeepney ay nakarating nadin sa ibang bansa at naisama pa sa isang
foreign movie? [ang galing ng Jeepney!]. Hindi din natin matatawaran ang bilis o tulin ng Jeepney sa mga pangunahing kalsada. Ang Jeepney ay makikita kahit saan sa Pilipinas, Luzon, Visayas
o mapa Mindanao man.
Ngunit nasubukan mo nabang
sumakay ng Jeepney? [Ako kasi maraming beses na at halos araw-araw na ata,
mahal na kasi ang gasolina ngayon kaya nag-titipid na at wala nadin akong pang
Taxi].
Mga ilang beses kana kaya nakasakay?
O sadyang wala kang balak sumakay?
Siguro sasabihin mo, may pang
Taxi o pang FX o pang aircon Bus o may sarili naman akong sasakyan, eh bakit pa
ako sasakay sa Jeepney. Bukod sa masasagap mo lahat ang usok ng ibang sasakyan,
naririyan pa din kasi yung alikabok na talagang hindi mo maiiwasan. Ingay pa ng
ibang sasakyan iyong dinig-na-dinig at ang walang pakundangan ng mga Jeepney
driver sa pag-singit sa kapwa nila mga Jeepney.
Naririyan din ang ilang Jeepney
na kahit na walo-han lang ang bawat panig ng upuan, pinipilit gawing siyam-man!
Naririyan ang ibang Jeepney na tatlo ata ang pamilya na binubuhay, dahil sabi
nila kahit hindi kaylangan hintuan, hinihintuan [kakaiba ka sir!], at may mga
ilan na sobrang bagal mag-patakbo na para bang nasa prosisyon kayo ng may
ililibing [sir! konting tapak naman sa silinyador, mahuhuli na kasi ako, salamat po].
Sa loob ng Jeepney makikita modin
ang ibat-ibang uri ng tao at sa loob din ng Jeepney makikita o malalaman modin
ang mga ilang ugali ng bawat isang nakasakay dito.
Minsan aking nakita, may nagbayad
na isang tao, halos nasa hulihan siya ng
Jeepney naka-upo na katulad ko, bayad ho…bayad ho…bayad ho…makikisuyo paabot ho
ng bayad! Tanong: Ano sa palagay mo nahihiya ba ang mga ibang
pasahero abutin ang bayad o bingi ba ang mga pasahero o sadyang
nag-bibingi-bingihan lang? [bakit kasi hindi pa matuluyang mabingi]. May mga
ilan ding pasahero na nag-tutulug-tulugan huwag lamang maabot ang pamasahe ng
ibang tao [baka matuluyan kang makatulog nyan, sige ka].
Sa aking opinion huwag kang uupo
malapit sa drayber kung ayaw mong tumulong sa ibang pasahero na abutin ang
kanilang bayad o kaya ang mas-maganda huwag kang sumakay sa Jeepney o kaya mag-Taxi
kanalang.
May mga ibang pasahero din na
halos ayaw masiksik o dumikit ka sa kanila [para tuloy may sakit ka na
nakakahawa, kaartehan!], sa Jeepney makikita modin ang mga taong makikitid
talaga ang mga pag-iisip, minsan aking nasaksihan din, mama’ para ho…sagot ni
driver: itatabi po, para nga ho sinabi na! Hayyy…hindi kaba marunong umintindi
ng salitang “itatabi po”.
Gusto kasi ng mga pasahero kapag
sinabing “para” ihihinto kaagad ng driver, kapag inihinto naman ng driver at
nasakto sa gitna ng daanan, sasabihin naman ng pasahero, paki tabi naman po, sa
gitna ninyo ako ibina-baba eh! At minsan galit pa! Meron pang mga ibang pasahero na ginagawang pintuan ang bubungan ng isang Jeepney, nandiyan na imbes na pumara ang isang pasahero, ang gagawin niya ay kakatok! Ale at Mama', Kuya at Ate, wala po kayo sa pintuan ng isang bahay para kumatok [kakatuwa nga naman sa
Jeepney].
Sana isipin din ng mga pasahero na hindi
ganoon kadali mag-maneho at huminto lang basta-basta, kahit na meron ibang mga
Jeepney na pasaway talaga na kung saan-saan nalang nag-sasakay at humihinto din.
Pero marami padin ang mga tao sa
loob ng Jeepney, sa Bus, Tricycle, Taxi, FX, maging Padyak o Kalesa man iyan at
kung ano-ano pang mga pampublikong sasakyan,
na handa talagang mag-bigay tulong sa sa kapwa nila, at hindi na natin
mai-aalis yon sa mga pasaherong sumasakay sa kanila.
Ikaw bakit hindi mo subukang
sumakay sa mga ito? Basta ako ba-baba na…PARA HO!