Tuesday, December 13, 2011

PARA HO!


Jeepney, Tricycle, FX, Taxi, Bus, Kalesa, Padyak, nasubukan mo nabang sumakay sa mga ito? 

Sa araw-araw nating ginagawang mga pag-lalakbay, patungo sa trabaho, sa eskwelahan, sa pamamasyal, sa pamimili, at sa kung ano-ano pang mga gawa na iyong patutunguhan.  Mayaman kaman o mahirap o namumuhay ng sakto lang, dibat lagi natin silang nakikita? Sa mga pangunahing kalsada o sa mga kalye, nag-kalat sila, at hindi natin maikakaila na sila ang pangunahin nating mga sasakyan kung tayo man ay mag-lalakbay, malayo man ito o malapit.

Ang pag-sakay sa mga sasakyang ito ay aking nasusubukan sa pang-araw-araw kong pag-lalakbay patungo sa aking trabaho, pwera nga lang sa Padyak at Kalesa, dahil malimit mo lamang silang makita sa mga maliliit na kalye.  Ang pag-sakay sa mga ito ay kaka-iba dahil minsan may mga nakakatuwa o magaganda at minsan naman may nakaka--asar kang makikita o mararanasan sa kanila. Sakay na po!

Kung ikaw ay nagmamadali sa pag-pasok patungong Alabang o Makati at hindi pa masyado mabigat ang traffic o kaya ay balak mong umuwi ng probinsya sa maagang oras, sa pag-sakay sa Bus ang isa sa maganda, dahil masisiguro ko sa iyo na hindi ka mahuhuli, dahil sa bilis nilang mag-patakbo.

Ngunit sa Bus iyong mararanasan din ang byaheng langit na kanilang sinasabi, baket nila nasabi ito? Dahil halos parang lumipad na ang mga Bus patungong langit sa bilis o tulin ng kanilang takbo, lalo na ang mga ordinary Bus na kanilang tinatawag.  Masasabi kong ang mga Bus talaga ang siga ng mga daanan, na kapag sila ang dumaraan at bumisina na sa iyo, tumabi kana, dahil malamang sa langit kana nga pupulutin. Hindi din po kaila sa atin na medyo marami na nga talagang naiuulat sa mga dis-grasyang kinasasangkutan ng mga Bus. Sa loob ng Bus makikita modin ang ibat-ibang uri ng tao, meron bata, matanda, babae, lalake, pinag-samang babae at lalake o lalake at babae [alam nyo yon], lolo at lola, may sanggol panga minsan.  

Mararanasan modin sa Bus ang tayuang pag-sakay o sik-sikan, na kahit puno na ang Bus, sisikapin padin nilang mag-sakay, hanggat umabot na sa likuran at harapan ang nakatayo sa loob ng Bus [sayang nga naman ang kita diba?]. sa Bus pwede ka nilang hintuaan kahit saan ka pumara [bastat walang nang huhuli], kahit nasa gitna kapa ng pangunahing kalsada, hihinto at hihinto yan maisakay kalang,  wala silang paki-elam sa mga sasakyang nasa likuran nila.

Kapag ikaw ay nag-nanais naman ng bumaba, Para ho! syempre sila ang masusunod, iba-baba ka nila sa nais nila. Sa tamang babaan? kadalasan, Pero minsan may mga Bus na kung saan-saan kanalang nila ibina-baba [ako nga naranasan ko na ng bumaba sa gitna ng daanan, ayos! Ang galing diba? hehe].

Bakit kaya sila ganun?

Ang ilan nag-sasabi, sayang ang biyahe, kaylangan mabilisan talaga, kasi daw porsiyentuhan ang kinikita ng mga driver at conductor, oo nga naman, kung maraming pasaherong naisakay at naibaba, malaki nga naman ang kita. Tama po ba? Boss, PARA HO!

Taxi, maganda sumakay, mabilis kang makakapunta sa iyong patutunguhan kung ikay nag-mamadali, komportable, medyo sosyal ang dating sabi nga nila [pa Taxi-taxi nalang si Juan ah!] sa Taxi para kang may personal driver talaga, iyan ang kagandahan po nito. Sa Taxi kahit medyo may karamihan ang iyong mga dalahin pwedeng sumakay. Sa Taxi kahit ikaw lang mag-isa pwedeng-pwede pong sumakay, actually mas gusto pa nga nila yon. 

Ngunit, sa Taxi may mga mapapansin kadin na mga kakaiba talaga, nariyan ang mga kalokohan ng mga ibang Taxi na parang simbilis ng kurap ng iyong mata ang pag-patak ng kanilang metro [papaano kaya ginagawa yun?], at may mga Taxi din na halos ayaw buksan ang aircon ng sasakyan nila, fan lang yata ang pina-pagana. Mapipilitan ka siguradong kausapin ang drayber at baka pag-mulan pa ng away [marahil nag-titipid sa gasolina o sadyang sira na ang aircon, baket kasi hindi pa ipagawa], nariyan din ang, sir/mam plus 30 po tayo, pwede po ba? medyo malayo po kasi yun, at wala nakong pasahero pabalik [pati ba naman pasahero pabalik, gusto pang ipa-shoulder sa bayad, kakaiba ka nga talaga!], nariyan din ang ibang Taxi na ang gimmick ay, mam/sir dito nalang po tayo dumaan, may shortcut dito, yun pala imbes na shortcut, eh longcut! Imbes na mabawasan ang babayaran mo, nadag-dagan pa.

Hindi din maiwasan sa mga Taxi ang mamili ng mga pasahero, na kahit bawal ang mga gawang ito ay pilit parin nilang ginagawa [kung sabagay hindi natin sila mapipilit kung talagang ayaw nila tayong ihatid sa lugar nayon, pero mas-maganda, huwag na silang mag Taxi], mga kakaibang diskarte nga naman ng mga ilang Taxi.

At paalala, ingat lang po, may mga holdaper nadin ngayon na gamit ang kanilang Taxi. 
Sir, PARA HO!    

Kinagigiliwan ngayon ng mga tao ang pag-sakay sa FX, bukod kasi sa naka-aircon kana, mabilis, malinis pa daw ito.  Maganda din sakyan ang FX dahil kahit papaano abot kaya ang pamasahe dito at kahit saan mo na siguro tignan na kalsada o kalye makikita mo ang FX kaya hindi kana mahihirapan hanapin sila. Nariyan na nga na pag-usap-usapan na sila na daw ang papalit sa mga Jeepney.

May mga pag-kakataon lang din na talagang mahirap silang Makita o masakyan, nandiyan kasi na ang karamihan sa kanila ay kolorum o walang prangkisa para bumiyahe [unfair nga naman para sa mga meron] kaya kadalasan para silang mga daga na tago-ng-tago para huwag lang makita ng mga nanghuhuli [mahal daw kasi kumuha ng prangkisa at mga pailan-ilan palang ang nabibigyan nito].

Maganda sumakay sa FX kung sa unahan ka uupo, medyo may kaluwagan kasi o di kaya ay salikuran [para sa akin po]. Minsan kasi naranasan kong umupo sa gitnang upuan ng isang FX, hayyy! Para akong sardinas na nasa loob pa ng lata. May mga medyo maliliit na sasakyan kasi na ginagawang FX, dalawa ang uupo sa harap, apat sa likod [salamat at hindi ginawang animan] at apatan din sa gitna, kaya ayun kapag nagawi ka sa gitna at medyo may kalakasan kumain ang iyong mga naging katabi, yari ka! Hot sardines ang labas mo.

Meron din mga FX na halos magigiba na kapag bumibiyahe [bakit kasi ayaw pang bigyan ng resignation paper] at halos ang mga upuan ay babagsak nadin, mahinang aircon, maliit na electric fan ang nasa loob, ano bayan? 
Kuya, PARA HO!

Kung magagawi ka naman sa maliliit na kalsada o kalye na kung saan ang mga Jeep at Bus ay hindi maaring bumiyahe, at ayaw mong pag-pawisan sa pag-lalakad o di kaya ay hindi masyado kabisado ang iyong pupuntahan, huwag kang mag-alala, naririyan ang Tricycle! Ang Tricycle ay isa pangunahing sasakyan para sa pang-araw-araw na malapitang pag-lalakbay at halos kahit saang parte ng Pilipinas iyong makikita ang Tricycle.

[Na-a-alala ko tuloy nung bata pa ako, nasubukang mag-bakasyon ng aking pinsan na tiga ibang bansa, nagulat siya dahil ang sabi ko sasakay kami sa Tricycle, ano daw iyon at ang sabi ko “Motorcycles with a sidecar” natawa lang siya dahil wala sa bansa nila ito, subalit laking gulat niya ng makita niya ito at hindi makapaniwala, sabay wika “The Filipino are genius” sabay tawa ng malakas].   

Bukod sa murang pamasahe nito [kung hindi special] ay kapaki-paki nabang din ang Tricycle lalo na sa mga probinsiya, dahil kahit napakarami mong bagahe o bitbitin ay hindi ka tatalikuran ng Tricycle. May mga ilang probinsya nga na ang Tricycle ang pangunahing sasakyan nila, kaya iyong makikita na kahit hang-gang bubungan nito ay may pasahero, at bibilib ka, dahil kayang kaya nitong isakay at ihatid sila sa kanilang patutunguhan [hanep!].

Hindi lang ikina-tutuwa ng ilan sa mga Tricycle ay ang pag-biyahe nito sa mga pangunahing lansangan at kahit bawal patuloy ang mga ibang Tricycle sa mga gawaing ito.  Sa aming lugar may mga Tricycle na gumagawa nito, lalo na pag-sapit ng gabi, kung mangilan-ngilan nalang ang bumibiyaheng mga sasakyan at wala ng mga nang-huhuli, nariyan na halos sila na ang mag-hari din sa daanan sa pag-papatakbo ng matulin, hindi alintana ang panganib na maaring tunguhin.

Sa mga matataong lugar tulad ng palengke din sila lubos na nag-kalat, may mga ilang Tricycle na kahit na sagana ang tao sa daanan ay patuloy parin ang pag-papatakbo ng matulin, walang paki-elam sa mga taong nag-sisi daraan [baka kasi bingi yung tao at hindi sila nadirinig na daraan sila], basta ang mahalaga makarating sila sa kanilang pila para makakuha uli ng pasahero [sa dami nga naman ng Tricycle, dapat lang daw na mag-madali].  Ang Tricycle na marahil siguro ang isa din sa matatandang sasakyan dito sa Pilipinas, kaya marahil ang ilan kahit pupugak-pugak na ang kanilang Tricycle, ayun biyahe padin…
Mama’ PARA HO!

Ngunit, papatalo ba naman ang tunay na hari ng lansangan? Ang JEEPNEY syempre!

Ang Jeepney ang pinaka popular na pam-publikong sasakyan sa Pilipinas [wala sigurong kokontra dun],  Sino bang hindi nakaka-kilala sa kanila? Nag-mula daw talaga ang Jeepney sa US Military Jeeps na naiwan nila noong panahon ng World War 2, maliit at hindi mahaba ang mga ito noon at dahil sa talino ng mga Pilipino, ginawa nila itong pahabain at palakihin upang mas marami ang makasakay at maisakay.  Mula noon tinawag na itong Jeepney.

Ang ganda at husay ng Jeepney ay hindi lang sa pamamasada nagagamit, ginagamit din  ng mga ibang tao ang Jeepney para sa kanilang personal o private use, o mas kilala sa tawag na ‘family use”, ang ibay sa kanilang mga pag-nenegosyo. May mga ilan pa nga na ginagawang collection items na nila ang Jeepney, ang iba namay kino-customize nila ito at ginagamit sa palig-sahan at maniniwala din ba kayo na ang Jeepney ay nakarating nadin sa ibang bansa at naisama pa sa isang foreign movie? [ang galing ng Jeepney!].  Hindi din natin matatawaran ang bilis o tulin ng Jeepney sa mga pangunahing kalsada.  Ang Jeepney ay makikita kahit saan sa Pilipinas, Luzon, Visayas o mapa Mindanao man.

Ngunit nasubukan mo nabang sumakay ng Jeepney? [Ako kasi maraming beses na at halos araw-araw na ata, mahal na kasi ang gasolina ngayon kaya nag-titipid na at wala nadin akong pang Taxi].

Mga ilang beses kana kaya nakasakay?

O sadyang wala kang balak sumakay?

Siguro sasabihin mo, may pang Taxi o pang FX o pang aircon Bus o may sarili naman akong sasakyan, eh bakit pa ako sasakay sa Jeepney. Bukod sa masasagap mo lahat ang usok ng ibang sasakyan, naririyan pa din kasi yung alikabok na talagang hindi mo maiiwasan. Ingay pa ng ibang sasakyan iyong dinig-na-dinig at ang walang pakundangan ng mga Jeepney driver sa pag-singit sa kapwa nila mga Jeepney.

Naririyan din ang ilang Jeepney na kahit na walo-han lang ang bawat panig ng upuan, pinipilit gawing siyam-man! Naririyan ang ibang Jeepney na tatlo ata ang pamilya na binubuhay, dahil sabi nila kahit hindi kaylangan hintuan, hinihintuan [kakaiba ka sir!], at may mga ilan na sobrang bagal mag-patakbo na para bang nasa prosisyon kayo ng may ililibing [sir! konting tapak naman sa silinyador, mahuhuli na  kasi ako, salamat po]. 

Sa loob ng Jeepney makikita modin ang ibat-ibang uri ng tao at sa loob din ng Jeepney makikita o malalaman modin ang mga ilang ugali ng bawat isang nakasakay dito.

Minsan aking nakita, may nagbayad na isang  tao, halos nasa hulihan siya ng Jeepney naka-upo na katulad ko, bayad ho…bayad ho…bayad ho…makikisuyo paabot ho ng bayad!  Tanong:  Ano sa palagay mo nahihiya ba ang mga ibang pasahero abutin ang bayad o bingi ba ang mga pasahero o sadyang nag-bibingi-bingihan lang? [bakit kasi hindi pa matuluyang mabingi]. May mga ilan ding pasahero na nag-tutulug-tulugan huwag lamang maabot ang pamasahe ng ibang tao [baka matuluyan kang makatulog nyan, sige ka]. 

Sa aking opinion huwag kang uupo malapit sa drayber kung ayaw mong tumulong sa ibang pasahero na abutin ang kanilang bayad o kaya ang mas-maganda huwag kang sumakay sa Jeepney o kaya mag-Taxi kanalang.

May mga ibang pasahero din na halos ayaw masiksik o dumikit ka sa kanila [para tuloy may sakit ka na nakakahawa, kaartehan!], sa Jeepney makikita modin ang mga taong makikitid talaga ang mga pag-iisip, minsan aking nasaksihan din, mama’ para ho…sagot ni driver: itatabi po, para nga ho sinabi na! Hayyy…hindi kaba marunong umintindi ng salitang “itatabi po”.

Gusto kasi ng mga pasahero kapag sinabing “para” ihihinto kaagad ng driver, kapag inihinto naman ng driver at nasakto sa gitna ng daanan, sasabihin naman ng pasahero, paki tabi naman po, sa gitna ninyo ako ibina-baba eh! At minsan galit pa! Meron pang mga ibang pasahero na ginagawang pintuan ang bubungan ng isang Jeepney, nandiyan na imbes na   pumara ang isang pasahero, ang gagawin niya ay kakatok! Ale at Mama', Kuya at Ate, wala po kayo sa pintuan ng isang bahay para kumatok [kakatuwa nga naman sa Jeepney].

Sana isipin din ng mga pasahero na hindi ganoon kadali mag-maneho at huminto lang basta-basta, kahit na meron ibang mga Jeepney na pasaway talaga na kung saan-saan nalang nag-sasakay at humihinto din.

Pero marami padin ang mga tao sa loob ng Jeepney, sa Bus, Tricycle, Taxi, FX, maging Padyak o Kalesa man iyan at kung ano-ano pang mga pampublikong sasakyan,  na handa talagang mag-bigay tulong sa sa kapwa nila, at hindi na natin mai-aalis yon sa mga pasaherong sumasakay sa kanila.

Ikaw bakit hindi mo subukang sumakay sa mga ito? Basta ako ba-baba na…PARA HO!

Thursday, December 8, 2011

MUSIKERO Ako!






Kami ay mahilig sa musika at kahit ano na atang klase ng musika aming pina-pa kinggan, mapa Rock n’ Roll, Hip-Hop, Rap, Country Music, RnB, OPM, o Senti paman yan basta patug-tugin sa radyo pakiking-gan namin, sabi nga ng kapit bahay namin “Music is Life” without Music there’s no life [sinong kapit bahay yun?]. Pero ang kina hiligan namin talaga ay yung tug-tuging pang-kalye o pang-masa, pinilit matutong tumug-tog ng gitara, pumalo ng tambol, umawit kahit sintunado, na kahit alam mo nang pinag-tatawanan kana ng mga nakakarinig sayo tuloy padin [ito ang gusto ko! wika nga ni kiko].   

Nangarap maging isang Musikero! mag-tayo ng banda!  Inaya ang barkada upang mag tayo ng sariling grupo, sinubukang mag-ensayo [sablay! haha] sabi nga ni tatay, ano yan ‘banda rito – banda roon” ngunit aming kinagiliwan at inayos namin ng mabuti ang mga ginawang pag-eensayo. Sumali sa mga battle of the bands, nabigo, ngunit hindi kami tumigil sa pangarap na maging isang musikero, at totoo nga pala ang kasabihang “kapag may t’yaga, may nilaga” sa wakas natupad din! Isa na kaming Musikero! [nakapag luto pa kami ng nilagang baka para sa aming mga hapunan].

Nakatapak sa Intablado, naka-ngiti, naka-tawa, naka-sulyap, naka-titig, sa bawat taong nasa harapan.  Ngiti sa kanilang mga mukha iyong makikita sa bawat kalabit sa mga gitara, sa bawat hampas sa tambol, at sa bawat salita na lumabas sa mikropono, oh, anong saya!

“Pare ko” at Mga Kababayan Ko”…wala kabang napapansin sa iyong mga “Kapaligiran?” “Tayo’y mga Pinoy” tayoy hindi kano, huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango! sapagkat kung ikaw ay mahihiya, “Lagim” ang sasapitin, at aming pakiusap, “Patience” lang, “Salamat” po…. Ilang musika na aming ginaya, ipinarinig sa mga tao na nais kaming masulyapan at marinig.


Ibat-ibang lugar aming narating, gabi man o umaga basta’t may tug-tugan aming susu-ungin, hindi alintana ang hirap at pagod maipamalas lang ang aming musika at galing.

Ngunit hindi sa lahat ng pag-kakataon gusto kanilang paking-gan, may mga taong ayaw sa iyong banda o tug-tugan, kaylangan tanggapin natin, parte ng isang musikero yon basta ang mahalaga masaya ka sa ginawa at ipinamamalas mo.

Ito ang aming naging kasabihan sa aming mga pag-tugtog at hindi padin kami nag-pa pigil sa aming mga gusto, pinilit iparinig ang musikang nalikha na balang araw sa radyo at TV ay madidinig o makikita din.

Ngunit sadya atang sinusubok ng tadhana ang isang Musikero, nandyan dumating ang araw na kayo’y nag-kaka tamaran na, ayaw ng mag-ensayo o huli lagi sa ensayo [magaling na daw kasi], nag-sisihan sa bawat pag-kaka mali ng isat-isa, nandiyan na pa-importante na ang isa, hindi pa nga sikat, hindi pa nga lumalabas sa radyo o TV ang nagawang mga kanta, mataas na kaagad ang pag-tingin sa sarili [Hoy! Gising!]

Nandiyan din ang pag-kakataon na wala na kayong maisulat na awitin, wala ng alam tug-tugin at wala ng alam iparinig sa mga tao kundi ang musikang inyong nasimulan lamang, hayyy…Ito ba ang pina-pangarap naming buhay Musikero? [sa tingin ko hindi na!].

Pero  sadyang ganyan lang siguro, dahil dumadating din naman talaga ang lahat sa katapusan, kung ang paborito mong teleserye, ang istorya ng isang kwento, ang usapan sa kanto, ang inuman sa gilid-gilid, ang kasiyahan sa isang party, ang buhay mo at ang buhay ko may katapusan din, eh ano pa kaya sa pagiging Musikero…hindi bat may katapusan din?

Pinilit ayusin, buuin ang aming grupong nasira, ngunit sadyang hindi na pwede, mga problemay dumating, na hindi na natakasan pa. Sari-saring dahilan ng bawat isay nais ibahagi, ngunit sa aming matagal na pag-sasamahan at pag-uunawaan, itoy naintindihan at natang-gap din.

Kanya-kanyang direksiyon ngayon aming tinatahak, ang ilan ay sumubok muli magbuo ng sariling grupo, grupong sa intablado nais muling mag-pamalas. Pinilit muli lumikha ng mga awitin na nais sanang iparinig sa mga tao, ngunit sadyang ayaw ibigay ng pag-kakataon.  Ang ilan namay nag-patuloy sa pag-aaral, naka-pag trabaho, nag-ka pamilya at nag-ka anak.

May mga pag-kakataon kamiy nag-kikita kita, nag-kaka sama-sama sa ilang mga okasyon, nag-kaka awitan at nag-kaka tug-tugan.  Hindi nawawala sa amin na balikan ang aming mga nasimulan, mga konsiyerto na aming dinaluhan, mga entabladong aming inapakan, mga kaway at sigaw ng mga tao na aming naranasan, mga awit na aming naiparinig, mga lugar na aming napuntahan, mga pag-tatawanan na aming nagawa at mga problemang aming nakaharap, at sa lahat ng itoy, sa aming puso at isipin, masasabi parin namin sa aming sarili...Musikero Ako!

Sunday, December 4, 2011

FILIPINO [sa ISIP, sa SALITA, at sa GAWA]


Ako ay Filipino at ikaw ay Filipino? Filipino ka dahil ang nanay at tatay mo ay Filipino?   
Filipino ka dahil dito ka isinilang at lumaki sa Pilipinas? 

Ano nga ba?

Sa ISIP ba, Oo? 
Dahil nag-iisip ka ng mga bagay na nasa Pilipinas, nag-iisip ka ng mga lugar na nais mong puntahan o nasa Pilipinas gaya ng Boracay, Luneta, Palawan, Cebu at kung ano-ano pang mga lugar na matatag-puan lamang sa Pilipinas.  Nag-iisip ka marahil ng mga pelikulang Filipino lalong-lalo na yung mga pinag-bibidahan ng nasirang hari ng penikulang Filipino, mga babasahing Filipino na naka-limbag sa wika natin, nag-iisip ka ng mga pangungusap na Filipino, na nais mong isulat. Mga musikang orihinal na gawang Filipino at syempre hindi natin makakalimutan isipin ang mga bayaning Filipino na nag-buwis ng buhay sa bansang Pilipinas, makamit lamang ang ating kalayaan [huwag-na-huwag natin silang kakalimutan]. Ikaw, ano pa ang iyong nasa isipan upang masabi mong ikay tunay na Filipino?

Sa SALITA ba, Oo? 
Dahil nag-sasalita ka ng wikang Filipino at hindi pang-banyaga, winiwika mo ang alpabetong Filipino. Pilipinong salita ang ginagamit mo sa pang-araw-araw na pakiki-pag talastasan, sa pakiki-pag debate, sa pakiki-pag away o sa paninirang–puri ng isang tao, sa pag-sakay sa jeep, sa pamimili sa palengke, sa pakiki-pag-usap sa isang kaibigan o sa pag-kukwento ng mga istoryang iyong nabasa o narinig o napa-nood. Maraming-marami pa! na kung ilalathala natin dito ay baka abutin tayo ng taon sa mga salitang Filipino na nais nating ipabatid, at siguro sa salitang Filipino mo din nais ibahagi ang iyong nalalaman? Ikaw ano pa ang iyong nais i-Salita sa wikang Filipino?


Sa GAWA ba, Oo?
Dahil may gawang Pilipino ka at ninanais mong ibahagi ang mga ito!  Gawang pag-galang sa mga nakaka-tanda sa pamama-gitan ng pag-mamano, gawang pag-sasabi ng “PO at OPO”, gawang pag-babayanihan at pang-haharana, na sa Pilipinas mo lamang makikita. Ang galing diba! Gawang pag-sakay sa kalesa at jeep kaya, hmmm? O daanin naman natin kaya sa mga gawang pag-kain na tunay na dito sa atin nag-mula, gaya ng bibingka't puto bumbong, puto’t kutsinta, balot at penoy, isaw, pandesal at mainit na kape na talagang masarap sa agahan! At marami pang iba...Sarap!  

Pero, baka nais modin ibahagi ang mga gawang Filipino na hindi kanais-nais tulad nang…Chismis, Pang-hihimasok sa buhay ng may buhay, Pang-darambong, Kasakiman sa kapangyarihan  [mayroon sa ibang bansa, pero mas tanyag ang sa atin, syempre papa-talo ba naman tayo, Filipino nga eh!] at kung ano-ano pa na nasa ating ISIP, SALITA, at GAWA.




Thursday, November 24, 2011

A DAY WITHOUT COFFEE?


Countless people truly love coffee!

We all know that coffee can boost our body, particularly in the morning, and at work. 
Several people stated that coffee is their energy drink.   Coffee is one of the most popular beverages consumed by most people. There's a study that coffee is the 2nd most well-liked drink next to the water. Why? Because of the flavor and aroma…hmmm? 

In my opinion, I would say Yes! I really love coffee because of its aroma and taste. 
I enjoy coffee especially in the morning or before bedtime. 
While reading a book, newspaper, or watching my favorite basketball game, there’s always a cup of coffee to sip and I can’t imagine life without coffee.  
Coffee is part of my day to day chores!

What if one-day coffee disappears. What is the first thing you will do?  

[especially to those who are obsessed with coffee]

Like me!

Nowadays, there are different varieties of coffee to choose from…Astounding! 

WONDERFUL PLACE

Wonderful Mountains And Seashore, A Magnificent Panorama. Wonderful And Warm People, A Superb Manner. Wonderf...